Mga pamilyang nagugutom maaring maragdagan pa dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin

Nagbabala si Senator Ralph Recto na posibleng lomobo pa ang bilang ng mga nagugutom

Dulot ito ng biglang pagsirit ng presyo ng bilihin matapos ang pananalasa ng magkasunod na bagyo.

Umapila si Recto na dapat ito ang maging isa sa mga top priority sa agenda ng cabinet meeting sa Malacañang.

Kinukwestyon naman ng Senador ano ang ginagawang hakbang ng Department of Trade and Industry at Agriculture para mapababa ang presyo ng pagkain lalo na ang isda, gulay at karne.

Nakakabahala aniya ang biglang pagtaas ng presyo ng bilihin na nangyari ngayong may pandemya kung saan kulang ang pambili lalo na ng mga mahihirap na pamilya.

Meanne Corvera

Please follow and like us: