Mga pampublikong lugar at gusali sa Tarlac city, isinailalim sa disinfection

Bilang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19, nagsagawa ng disinfection sa mga pampublikong gusali at mga lugar sa Tarlac city.

Isa-isang tinungo ng Tarlac City Disinfection Team ang mga pampublikong gusali at mga lugar na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.

Ilan sa mga nilinis ay ang gusali ng Quarantine Facility sa Barangay Culipat, City Hall, Kaisa Convention Hall,City Health Office [CHO], MTC at PNP.

Tinungo rin ng grupo ang mga Barangay Baras-Baras, Tibagan, Sapang Maragul, San Sebastian, San Vicente, Sta. Cruz, San Manuel, San Roque, Ligtasan, Dalayap, San Rafael at mga iba pang mga barangay na mataas ang kaso ng mga nagpositibo sa virus.

Please follow and like us: