Mga pampublikong sasakyan at mga patrol car ng gobyerno, oobligahin nang maglagay ng dashboard camera

Oobligahin na ang mga pampublikong sasakyan at mga patrol car ng gobyerno na maglagay ng camera sa dashboard ng mga sasakyan.

Itoy kapag napagtibay na ang Senate Bill 1457 o Dash Cam Law na inakda ni Senador JV Ejercito.

Layon ng panukala namakatulong sa pagresolba sa mga road accident na pang-apat na sa mga itinuturing na dahilan ng pagkamatay batay sa report ng World Health Organizations at iba pang uri ng krimen at mga pang-aabuso.

Katunayan, sinabi ni Ejercito na batay sa report ng Metro Manila accident recording and analysis system, noong 2016, umaabot sa 109, 322 ang naitalang aksidente sa mga lansangan

Ang paglalagay ng dashcam ay pagsunod lang sa itinatakda ng probisyon ng Republic Act 10173 o Data Privacy Act dahil na rin sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga pampublikong sasakyan.

Pero hindi aniya obligado na isapubliko ang anumang nakunang recordings at subject pa rin ito sa consent ng sinumang biktima.

Sakop ng panukala ang PUV’s, patrol vehicle ng gobyerno tulad ng

NBI at PNP, school service at iba pang sasakyan na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sakaling maging batas, ang lalabag ay maaring magmulta ng hanggang limampung libong piso o suspensyon ng kanilang prangkisa.

 

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *