Mga pasyalan sa loob ng Intramuros, Maynila nananatiling sarado

Nananatiling sarado ang mga pasyalan, parke at museo sa loob ng Intramuros sa Maynila.

Pinapayagan naman ang biking at jogging, pero para lamang sa mga residente ng Intramuros at mga nagta-trabaho sa loob ng Intramuros.

Kasabay nito, nagpaalala ang Intramuros Administration kaugnay sa mga ipinatutupad nilang guidelines bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Ayon sa Manila Health Department, may anim na active cases ng covid 19 sa Intramuros pero wala naman silang naitatalang nasawi dahil sa virus.

Kabilang sa mga ipinatutupad na pag iingat sa Intramuros ay ang mahigpit na pagpapatupad ng social distancing.

Ipinatutupad din ang No ID, No Entry. Sa pagpasok sa Intramuros, kailangang ipakita ang ID gaya ng school o office ID, o government-issued ID.Ang Gate 10, Gate 7 o Magallanes Drive at Gate 9 na malapit sa Letran ay bukas mula alas-sais ng umaga hanggang alas-syete ng gabi.

Ang Gate 3 at Gate 11 na malapit sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) ay bukas 24/7 habang ang General Luna naman ay one-way ang daan.

– Madz Moratillo

Please follow and like us: