Mga Pinoy athletes na sasabak sa SEA Games at Tokyo Olympics, ibinilang na sa Covid vaccination Priority list

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na makapagsagawa ng bubble training ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at sa South East Asian Games.

Ito ay alinsunod sa alituntunin mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board at Department of Health (DOH).

Bibigyang prayoridad din sa Covid-19 vaccination ang mga atleta, coaches, delegates at officials na lalahok sa pandaigdigang kompetisyon.

Please follow and like us: