Mga Police personnel sa PNP Training Service sumailalim sa random drug test.

Nasa 48 mga police personnel ang sumailalim sa random drug test sa na naka assigned sa PNP Training Service Office sa Kampo Crame. 


Pinangunahan ito ni PNP Training Service Director Police Brigadier General Bernard Banac.


Ang naturang random drug test ay bilang pagtugon sa panawagan sa kanila ni PNP Chief General Debold Sinas sa katatapos na 15th founding anniversary ng PNPTS, na lahat ng mga police personnel maging ang mga isasailalim sa mga pagsasanay sa buong bansa ay matiyak na hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.


Bahagi din ito ng kampanya ng PNP ukol sa Internal Cleansing sa kanilang hanay at mapanatling ligtas ang lahat ng pulis sa masamang dulot ng iligal na droga.


Bukod sa mga police personnel na nasa Training Service office ay isinagawa din ang kaparehong random test sa iba’t ibang regional training service office sa buong bansa. 


Ulat ni Jet Hilario

Pinangunahan ni PNPTS Director P/B/Gen. Bernard Banac ang isinagawang random drug test sa kanilang tanggapan sa Camp Crame.
Please follow and like us: