Mga poultry farm owner na apektado bird flu virus sa Pampanga tutulungan ng gobyerno ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng gobyerno na hindi pababayaan ang mga poultry farm owner na apektado ng bird flu virus na kaunaunahang outbreak na naitala sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mayroong insentibo ang Department of Agriculture sa mga poultry farm owner.

Ayon kay Abella babayaran ng Department of Agriculture ang mga manok sa papatayin upang hindi na kumalat sa ibang lugar ang bird flu virus.

Inihayag ni Abella sisikapin ng gobyerno malunasan ang problema sa lalong madaling panahon upang makabawi agad ang mga poultry farm owner sa pagkalugi.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *