Mga Pribado at Pampublikong sementeryo sa San Juan City, pansamantalang isasara mula October 30 hanggang November 3

Pansamantalang isasara ang mga pribado at pampublikong sementeryo at columbaries sa lungsod ng San Juan mula October 30 hanggang November 3, 2020.

Ito ay alinsunod sa kautusan na pirmado ni San Juan City Mayor Francis Zamora na layuning maiwasan ang mass gatherings sa lungsod habang nasa ilalim ng Community Quarantine ang NCR dahil sa banta ng Covid-19.

Bukod sa temporary closure ng mga sementeryo, ipinagbabawal din ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng mga Halloween activities gaya ng Trick or Treat sa San Juan City sa mga nasabing petsa.

Sinabi ng alkalde na kinakailangan na makontrol ang pagdagsa ng mga tao sa sementeryo  at ipagbawal ang mga Halloween activities para maiwasan ang muling pagtaas ng kaso ng virus at huwag masayang ang mga ginawa ng lungsod para malabanan ang Covid.

Moira Encina

Please follow and like us: