Mga pro at anti Sereno, bahagyang nagkagirian…Pasok sa UP Manila, sinuspinde

Nagkaharap at nagkasagutan saglit ang mga Pro at Anti Sereno groups malapit sa tapat ng Department of Justice o DOJ sa Padre Faura sa Maynila.

Partikular na nagkagirian ang grupong sumusuporta kay Sereno na Tindig Pilipinas at ang grupong kontra kay Sereno na Citizens Crime Watch.

Nakalusot ang mga Sereno supporters sa Maria Orosa St. at tinangkang lumapit sa labas ng DOJ kung saan nakapwesto  ang mga grupong kontra kay Sereno.

Pero umatras din ang pro- Sereno groups matapos na harangin at pakiusapan ng mga pulis.

Samantala hindi na madaraanan ng mga sasakyan ang Southbound lane ng Taft Avenue mula sa UN Avenue hanggang Padre Faura dahil sa mga nagtitipong Pro at Anti Sereno.

Sinuspinde na rin ang pasok sa UP Manila na katabi lang ng SC.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *