Mga public schools sa Carmona, Cavite, pinagkalooban ng Risograph at Photo copier machines

Bilang bahagi ng paghahanda ng Carmona LGU para sa School Year 2020-2021, muling namahagi ng Risograph machines at Photo copier machine ang lokal na pamahalaan sa anim na mga Pampublikong paaralan sa kanilang bayan. 


Risograph machine ang ibinigay ng Carmona LGU sa Cabilang Baybay Elementary School, Bancal Elementary School, Paligawan Matanda Elementary School at Alternative Learning System. 


Habang photo copier machines naman ang ipinagkaloob sa mga paaralan ng Milagrosa Elementary School at Carmona Elementary School.


Ayon kay Carmona Mayor Atty. Roy Loyola, malaking tulong ito para sa patuloy na production ng Self-Learning Modules ngayong sasailalim na sa Modular Learning Distance Program ang mga paaralan sa bansa ngayong darating na pasukan.

Jet Hilario

Please follow and like us: