Mga pulis na responsible sa nadiskubreng “secret cell” sa MPD Station 1, posibleng maibalik sa serbisyo – Albayalde

Ibabalik sa serbisyo o kaya ay ililipat ng panibagong pwesto ni NCRPO Police Director Oscar Albayalde ang mga sinibak na pulis sa MPD Station 1 sa Tondo , Maynila.

Itoy matapos igiit ng mga imbestigador ng Philippine National Police-Internal Affairs Service na hindi sikreto ang sinasabing “secret cell sa naturang kulungan.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Albayalde na lumabas rin sa imbestigasyon ng PNP-IAS na hindi naman lumabag sa karapatang pantao ang mga pulis na responsable rito.

“Ang intindi ko dun akala kasi nila nandun ang CHR para irescue sila eh hindi pwede yun dahil mayroon silang kinakaharap na kaso. At alam din ng CHR yun na hindi nila pwede i-costudy yun dahil sasabit sila dun”. – Albayalde

Kasabay nito inihayag ni Albayalde sa Commission on human Rights na malaya ang mga ito na inspeksyunin ang mga kulungan sa ibat ibang panig ng bansa .

Subalit sa halip na hanapan ng mali ang mga tauhan ng PNP ay mas magandang magbigay ang CHR ng solusyon sa jail congestion .

“Panawagan natin hindi pwedeng fault finding na lang pwedeng magbigay sila ng solusyon hindi sapat na nakasuhan ang ating mga uniformed personnel PNP man yan o AFP. Kailangan may maibigay din silang ayuda o recommendation to the national government kung papaano maiprove ang mga facility natin”. – Albayalde

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *