Mga PWDs sa Santa Rosa City, Laguna, makakatanggap ng 1,500 pisong ayuda

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Santa Rosa sa Laguna ang pamamahagi ng ayuda para sa mga Persons with Disabilities o PWDs.

1,500 pesos ang matatanggap na financial assistance ng PWDs.

Ayon sa City government, mahigit 6,400 ang bilang ng PWDs sa lungsod.

Dahil dito, nasa 9.7 million pesos ang inilaang pondo ng City government para sa ayuda sa mga PWDs.

House-to-house ang pamamahagi ng ayuda na pangungunahan ng Barangay PWD Association kasama ang Barangay Treasurer.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: