Mga residenteng biktima ng Bulkang Mayon, dadalawin ni Pangulong Duterte pagbalik mula sa India

 

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Bicolano na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magtutungo ang Pangulo sa Albay pagkabalik nito sa bansa mula India.

Subalit wala pang eksaktong petsa ang pagpunta ng Pangulo sa Albay.

Sa ngayon ay aabot na ng mahigit 72 libong mga residente ang mga nagsilikas sa mga evacuation center dahil sa sunud-sunod na pagsabog ng Mayon.

Ulat ni Vic Somintac

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *