Mga sangkot sa Rent-Sangla Scam, kakasuhan na ng NBI sa DOJ

 

 

nbi 2

Kakasuhan  na ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang mga nasa likod ng ‘Rent-Sangla’ vehicle scam sa Marso a- 10.

Ayon kay National Capital Region Director Cesar Bacani, ito ay bilang pagtalima sa labinlimang (15) araw na itinakda ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre para makapagsumite ng status report sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Ihahain ng NBI ang unang batch ng kaso laban sa mga suspek at maghahabol na lamang ng isa pang batch kung mayroon pang mga suspek na lulutang.

Aabot sa pitumpu’t dalawang (72) may-ari ng sasakyan ang nagpasaklolo sa NBI matapos na mabiktima ng naturang modus.

 

Please follow and like us: