Mga senador, hindi pabor sa panukalang Absolute Divorce bill na inaprubahan ng Kamara

Hindi pabor ang ilang senador sa isinusulong na Absolute Divorce bill.

Pasado na sa Kamara ang panukala pero wala pang naihahaing bersyon nito sa Senado.

Pero ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, hindi pinag-uusapan sa Senado ang Divorce bill.

Tulad niya, naniniwala ang iba pang mambabatas na hindi dapat magkaroon ng diborsyo sa Pilipinas.

Dapat kasi aniyang irespeto ang kahalagahan ng kasal at hindi dapat itulad sa drive- thru ang diborsyo dahil ang magiging biktima ay kababaihan at mga bata.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *