Mga sumukong NPA member, malugod na tinanggap ng PNP

photo credit: PNP FB page

Malugod na tinanggap ni Philippine National Police Chief Police General Debold Sinas ang mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) mula sa Central Visayas.

Sa kanilang pagsuko, isinuko rin nila ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng iba’t-ibang firearms, ammunitions, pump boat at maraming mga subersibong dokumento.

Kinilala naman ng PNP Chief ang anti-insurgency effort ng PNP Central Visayas bilang isang tagumpay sa Executive Order no. 70 o Creating the National Task force to end Local Communist Armed conflict.

Ang mga rebel returnees ay tutulungang makapag-avail ng Government assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Please follow and like us: