Mga suspek sa pagbebenta ng signal jammer at sim card modem pool, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP Anti-Cyber Crime Group

Arestado sa entrapment operation ng PNP Anti-Cyber Crime Group sa Pasig city, ang walong suspek na nagbebenta ng signal jammer.
Ayon kay Brig. Gen. Bernard Yang, ini-aalok ng mga suspek ang aparato sa social media sa halagang 15 – 52,000 pesos.

Mahigpit aniyang ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng signal jammer.
Bagaman nakatutulong ito sa security sector lalo sa malalaking aktibidad, maari rin itong magamit ng masasamang loob sa panggugulo lalo na ngayong papalapit ang eleksyon.
Bukod sa pagdisrupt ng signal, kaya din ng signal jammer na antalahin ang transmission ng vote counting machines.

Sa hiwalay namang operasyon sa Muntinlupa, arestado ang maglive-in partner dahil sa pagbebenta ng sim card modem pool.
Ayon kay Gen. Yang, ang suspek ay isang eletrician na dating nagtatrabaho sa POGO kung saan nya nakuha ang aparato.
Ang aparato ay ibinibenta sa halagang anim hanggang sampung libong piso.

Ang nasabing aparato ay gumagana gaya ng IMSI catcher o mas kilala bilang Text blast machine, na kayang magpadala ng mensahe ng sabay-sabay sa iba’t ibang subscriber.
Maaari itong gamitin ng mga scammer sa pagpapadala ng fishing link sa mga target nilang biktima.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong Misuse of Devices sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 at paglabag sa NTC law.
Mar Gabriel