Mga taga-Mindanao, hinimok na lumahok sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law ngayong araw

Hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang mga taga-Mindanao na lumahok sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ngayong araw.

Ayon kay Hontiveros, makatutulong ang  pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region para maresolba ang matagal nang karahasan at insurgency sa rehiyon.

Umapila rin si Hontiveros sa mga humaharang sa BOL na huwag harangin ang mga residente at hayaang gamitin ang kanilang karapatan.

Ngayong araw ang simula ng plebesito para sa pagbuo ng Bangsamoro Autonomous region sa Isabela city sa Basilan at Cotabato city.

Sa February 6  naman ang referendum sa Lanao del Norte kung saan sakop nito ang anim na bayan sa North Cotabato.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *