Mga tanggapan sa munisipyo ng Dasmariñas city Cavite, balik na sa operasyon sa Lunes, May 18

Simula  bukas, May 16, balik-operasyon na ang lahat ng tanggapan at departamento sa munisipyo ng Dasmariñas city sa Cavite.

Ito ay matapos na maisailalim na  sa General Community Quarantine  (GCQ) ang buong Cavite.

Ayon kay Mayor Jenny Barzaga, bukas ang mga departamento sa munisipyo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:oo ng hapon.

Ito ay para muling makapagbigay ng serbisyo ang mga opisyal ng lunsod at maisaayos ang mga transaksyon sa siyudad.

Gayunman, binigyang-diin ng alkalde na mananatiling ipatutupad ang mga guidelines at quarantine protocol sa ilalim ng GCQ gaya ng mandatory na pagsusuot ng facemask at ang social distancing.

 

========

 

Please follow and like us: