Mga tindang oxygen sa Maynila, nagkakaubusan na

Nagkakaubusan na ng mga tindang oxygen sa Sta. Cruz sa Maynila.

Kilala ang Sta. Cruz bilang bilihan ng mga murang Medical supply.

Ayon sa mga tindera, wala na rin silang dumarating na stock mula sa kanilang suppliers.

Kahit sa mga ospital hindi na rin umano nila kayang makapag-suplay dahil wala na rin silang makuhanan.

Una rito nanawagan ang Department of Health sa publiko hinggil sa pagbili ng oxygen.

Apila ng DOH sa publiko, upaubaya na lang ito sa mga ospital para hindi naman maubusan ng suplay ang mga pagamutan sa bansa.

Bukod rito, hindi rin umano basta-basta ang paggamit ng oxygen at dapat may gabay ito ng mga Health Professional.

Madz Moratillo

Please follow and like us: