Militar nagsasagawa ng close door meeting sa mga Senador

Nasa Senado ngayon ang matataas na opisyal ng Department of National Defense at iba pang security officials para sa close door meeting kaugnay ng hirit na palawigin ang Martial law sa Mindanao.

Kasama sa mga nagsasagawa ngayon ng briefing sina Defense secretary Delfin Lorenzana at AFP chief of staff Carlito Galvez.

Sinabi rin ni Senador Gringo Honasan na depende pa sa lalamanin ng briefing ng militar ang magiging rekomendasyon ng Senado kung aaprubahan ang Martial law extension.

Pero kasama aniya sa kanilang ikinukunsidera ang posibleng epekto sa ekonomiya at  kung naayon ba sa Saligang Batas.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *