Miss Universe 2018 Catriona Gray, uuwi ng bansa ngayong Pebrero

Naghahanda na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ngayong Pebrero.

Sinabi ni Catriona na uuwi siya sa bansa sa kalagitnaan ng buwan.

Magiging bahagi ng itenerary ng Filipina beauty queen ang pagbisita sa Tondo, Manila bilang patuloy na suporta sa Young Focus Philippines, isang organisasyon na tumutulong sa mahihirap na bata para makapag-aral.

Sa ngayon ay balik New York ang dalaga matapos dumalo sa Super Bowl sa Atlanta.

Hindi rarampa si Catriona sa New York Fashion Week pero naroon siya para sumuporta sa event.

Ulat ni Khen Mesina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *