Miyembro ng DDS, lumantad na sa publiko, mga ipinapatay ni Pang. Duterte, idinetalye

art

Humarap na sa publiko ang isa sa mga umano’y miyembro ng Davao Death Squad na si SPO3 Arturo Lascanas.

Idinetalye ni Lascanas ang mga ginawa nilang kaso ng karumal dumal na pagpatay sa aniyay mga drug addict at iba pang suspek sa mga krimen sa Davao batay sa utos ng nooy alkalde na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay aniya ito sa kampanya ni Duterte laban sa kriminalidad at iligal na droga.

Bilang miyembro ng DDS tumatanggap siya ng buwanang allowance na isandaang libong piso ( P100,000) kada buwan bukod pa sa 20 hanggang 30 thousand pesos kapag may napapatay.

Isa aniya sa kanilang naging biktima ang radio commentator na si Jun Poras Pala.

Ipinapatay umano  ito ng alkalde kapalit ng 3 million pesos dahil sa sobrang galit sa araw araw na pambabatikos sa kanya sa radyo.

Ulat ni : Mean Corvera

Please follow and like us: