Most wanted person sa Navotas city, huli habang nakapila sa pamamahagi ng ayuda

Nadakip ng pulisya ang itinuturing ng Most wanted person sa Navotas city.

Ang suspek ay nadakip habang nakapila sa mga mabibigyan ng ayuda sa lunsod.

Nakilala ang suspect na si Heart Jhos Lucas, binata, 34- anyos at naninirahan sa No. 18 ERC st Barangay Tangos North.

Si Lucas ay may mga kasong 2 counts of Statutory rape at Sexual Assault.

Sa pamamagitan ng isang concerned citizen na nagsumbong sa mga pulis, nahuli ito habang nakapila para sa Financial Aid sa Tangos Elementary School.

Edison Domingo Jr., EBC Correspondent

Please follow and like us: