Motibo sa pagpatay kay Mayor Espinosa hindi pa rin malinaw ayon kay Sen. de lima

Hindi pa rin  malinaw ang motibo sa pagpatay laban kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob Baybay City Provincial Jail.

Sa kabila ito ng ginawang pagpapaaresto sa mga opisyal at tauhan ng PNP-CIDG na itinuturong pumatay kay Espinosa.

Sa isang sulat kamay na pahayag, sinabi ni Senadora Leila de Lima na hanggang ngayon hindi pa rin natutukoy ang motibo sa pagpatay kay Espinosa.

Pinuri naman ni de Lima ang hakbang ng Department of Justice at NBIpero bakit amiya hindi pa kinakasuhan si Kerwin Espinosa gayong umamin itong isa sya sa mga nagsusuplay ng iligal na droga.

Patuloy rin aniyang nakalalaya  si Peter Lim na sangkot naman sa illegal narcotics trade.

“Good job on the part of the DOJ/NBI in successfully investigating and indicting 19 cops led by Supt. Marvin Marcos for the murder of Mayor Rolando Espinosa and co-detainee Raul Yap. But I remain curious as to the real motive behind the killing of Mayor Espinosa. None of the investigations whether NBI’s or the Senate’s has established such motive, let alone convincingly”. – Sen. de Lima

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: