Motocross sports track field sa Meycauayan Bulacan muli nang binuksan

Dinagsa ng motocross enthusiasts ang muling pagbubukas ng motocross sports track field sa Barangay Camalig, Meycauayan, Bulacan.

Maging ang mga tagahanga ay nagtungo rin sa lugar, para panoorin ang exhibition ng motocross riders.

Tila pinalilipad ng riders ang kanilang motorsiklo niotorsiklo habang nag-e-exhibition sa track field, na ikinatuwa naman ng mga nanonood.

Ang naturang track field ay bukas tuwing Linggo, at galing pa sa iba’t-ibang lugar ang professional at amateur riders na nagtutungo rito.

May nakaabang namang ambulansiya bilang protocol, habang tinitiyak ng mga namamahala sa track field na nasusunod ang ipinatutupad na gabay pangkalusugan at ang umiiral na general community quarantine with heightened restrictions.

Ulat ni Gerald dela Merced

Please follow and like us: