MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw

Balik operasyon na ngayong araw, Lunes, Nov. 2, ang Metro Rail Transit-3 o MRT-3.

Ito’y matapos nilang magkansela ng operasyon dahil sa bagyong “Rolly,” kung saan sa Metro Manila ay itinaas ang Signal No. 4, kahapon, Linggo, Nov. 1.

Nagsuspinde rin ng naka-schedule na maintenance shutdown ang MRT-3 nitong weekend, para sa kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.

Sa kanilang advisory, pinaalalahanan ng MRT-3 ang kanilang mga pasahero na mag-ingat sa kanilang pagbyahe dahil nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Metro Manila.

Namamalagi naman ang pagbabawal sa pagsasalita at pagkain, at ang pagpapatupad ng one-seat-apart policy sa MRT-3 trains, para makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19.

Liza Flores

Please follow and like us: