MRT nagka-aberya na naman

Pinababa ang mga pasahero ng Metro Rail Transit na patungo sana sa Taft Avenue matapos na namang magka aberya ang tren.

Sa statement ng Department of Transportation, nagkaroon ng technical problem ang tren pagdating sa Santolan station kaninang 9:14 ng umaga.

Hindi na maaring gawan ng remedyo dahil nasa category 3 ang na detect na problema ng tren.

Ibig sabihin aalisin muna ito pansamantala sa riles at wala pang maipapalit na bagon.

Humingi naman ng paumanhn ang DOTC sa mga apektadong pasahero.

Please follow and like us: