MRT, nagkaaberya na naman

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng MRT ngayong araw.

Alas 5:14 ng umaga ng Biyernes nang itinaas ang category 3 sa status ng MRT.

Dahil isang tren ang nakaranas ng technical problem sa bahagi ng Quezon Avenue Station Southbound.

Pinababa ang mga pasahero ng nagkaproblemang tren at pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga ito.

Kagabi nakaranas din ng aberya sa biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Magallanes Station Southbound.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *