Murang NFA rice, mabibili na sa mga pamilihan sa Camanava area

Mahigit 12 libong sako na ng bigas ang naipamahagi na ng NFA sa mga 181 accredited rice retailers sa mga pamilihan sa Camanava area ngayong linggong ito.

Ibig sabihin nito, maaari nang makabili ng mga NFA rice sa lahat ng mga palengke sa Northern part ng Metro Manila.

Umapila si Alfonso sa mga taga Camanava area na huwag mag-alala dahil hindi mauubusan ng mga mura ngunit de kalidad na mga bigas.

“Sa kababayan natin sa Camanava, huwag po silang mag-alala kasi tuluy-tuloy na itong pagdi-distribute ng NFA ng mura at de-kalidad na bigas. Makikita nyo yan sa merkado, lalu na yung Sabado at Linggo na market days. Marami pang darating na NFA rice hanggang Disyembre yan meron pa”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *