Murray dinaig ni Korda sa Gijon Open quarter-finals

Britain’s Andy Murray of Team Europe reacts while playing against Australia’s Alex de Minaur of Team World during their 2022 Laver Cup men’s singles tennis match at the O2 Arena in London on September 23, 2022. (Photo by Glyn KIRK / AFP) /

Dinaig ng American player na si Sebastian Korda si Andy Murray ng Britanya, sa quarter-finals ng Gijon Open.

Si Korda, ranked 47, ay nagwagi sa score na 6-4, 1-6, 6-1 laban sa dating world number one ranked 48 na si Murray, sa kanilang laban na tumagal ng dalawang oras at 27 minuto.

Ang Gijon Open ang unang tournament na nilahukan ni Murray pagkatapos ng Laver Cup noong Setyembre, at makaraang mag-rally sa second set ay hindi na nagawang imantini ng 35-anyos ang kaniyang momentum sa third set.

Ang 22-anyos na si Korda ay umabante para makaharap naman sa susunod si Arthur Rinderknech ng France na nakapag-save ng siyam na match points bago tuluyang tinalo ang second seeded na si Pablo Carreno Busta, ang huling Spaniard sa torneo, sa score na 4-6, 6-3, 7-6 (18/16).

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.