Muslim Congressmen, kinondena ang pamumugot ng ASG kay Kantner

Mariing kinondina ng Muslim Congressmen ang ginawang pagpugot ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa German na si Jurgen Kantner .

Ang ganitong acts of terrorism ay hindi naaayon sa Islamic Religion at lalong hindi way of life ng mga Muslim.

Nagpahayag ang Muslim Congressmen ng pagkondina sa Abu Sayyaf para linawin na walang katotohanan ang mga impormasyon na ang Abu Sayyaf ay tinutulungan o kinukunsinti ng mga sibilyan sa kanilang lalawigan.

Nanawagan naman si Anak Mindanaw Rep. Sitti Dahlian Turabin Hataman na huwag namang lahatin ng publiko ang mga Muslim sa batikos at huwag din silang i-discriminate.

Sinabi ni Deputy Speaker Bai Sandra Sema na mabigat ang epekto ng pagpugot kay Kantner dahil may dagok ito sa ekonomiya hindi lamang ng ARMM kundi ng buong bansa.

Kuwestyon naman ni Tawi-Tawi Cong. Ruby Sahali sa militar,  bakit hanggang ngayon ay namamayagpag ang Abu Sayyaf gayong wala namang tigil ang operasyon laban dito at maging si Pangulong Duterte ay nag-utos nang durugin ang bandidong grupo.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

 

 

 

Please follow and like us: