Nagbitiw na si BuCor Chief inatasan ni Justice Sec. Aguirre na patuloy na gampanan ang trabaho

Kahit nagbitiw na sa pwesto si Bureau of Corrections Chief Benjamin delos Santos, inatasan pa rin siya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na manatili at patuloy na gampanan ang tungkulin sa ahensya.

Sa memorandum ni Aguirre kay delos Santos, sinabi na ito ay habang wala pang aksyon ang Malakanyang sa irrevocable resignation nito at hindi magulo ang operasyon ng BuCor.

Pero sa text message sa mamamahayag, iginiit ni delos Santos na wala na siyang balak na magbalik sa trabaho bilang hepe ng BuCor.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *