Naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw bahagyang bumaba

Pumalo na sa 3,026,473 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of health ng 28,007 na bagong kaso ng virus infections ngayong araw.

Pero kung ikukumpara sa mga nakalipas na araw, bahagyang bumaba ang naitalang kaso ngayon.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon ay nasa 181,016 na.

May 4,471 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,792,946 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 219 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 52,511 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 9, habang may labing dalawa ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: