Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang bumaba sa 1,671

 Bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng covid 19 ngayong araw na nasa 1,671

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3, 658, 892 ang kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 55,140.

May 1,586 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 547, 528 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 59 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 56,224 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 23 at 3 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID- 19 repository system.

Please follow and like us: