Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang tumaas sa 2,671

Bahagyang tumaas sa 2,671 ang niatalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa Department of health, umabot na sa 3,644,597 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 68,829 may 6,130 namang naitalang bagong gumaling.

Kaya naman umabot na sa 3,520,545 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 77 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,223 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa CVOID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 14, at 6 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: