Naitalang COVID cases sa bansa mas bumaba pa sa 15,789

Bumaba pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw na nasa 15,789.

Dahil rito , ayon sa Department of Health , umabot na sa 3,475,293 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon nasa 230,410.

May 32,712 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,191,219 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 66 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 53,664 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 24, at mayroon namang 3 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: