Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa 2,010

Bumaba pa sa 2,010 ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,641,940 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Habang ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa bansa ay nasa 72,305.

May 6,293 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 514, 489 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 52 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,146 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 13, at 5 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: