Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa , bumaba sa 9,493

Nakapagtala na lamang ng 9,493 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ayon sa DOH, umabot na sa 3,569, 665 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 176,053.

May 24,210 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 339 ,558 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 51 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,054 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 30, at 10 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID- 19 repository system.

Please follow and like us: