Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, muling bumaba sa 853

Muling bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na umabot sa 853.

Sa ngayon, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,665,747 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 50,230.

May 1,062 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,558,747 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 232 namang naiulat na bagong nasawi, kaya umabot na sa 56,770 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong March 2 at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: