Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo sa 28,471 ngayong araw

Naitala ng Department of health ang 28,471 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa datos ng DOH , aabot na sa kabuuang 3,270,758 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang nasa 284,458 ang aktibong kaso.

May 34,892 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,933,338 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 34 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 52,962 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 16, habang may 5 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: