Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo sa 31,173 ngayong araw

Naitala ng Department of health ang 31,173 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa datos ng DOH , aabot na sa kabuuang 3,324,478 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang nasa 275,364 ang aktibong kaso.

May 26,298 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,995,961 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 110 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 53,153 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 18, habang may 5 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: