Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo sa 32,744 ngayong araw

Naitala ng Department of health ang 32,744 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa datos ng DOH , aabot na sa kabuuang 3, 357,083 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang nasa 291,681 ang aktibong kaso.

May 16,385 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,012,156 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 156 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 53,309 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 19, habang may 3 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: