Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot sa 1,534 ngayong araw

Bahagyang tumaas sa 1,534 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa ng Department of Health ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa DOH, umabot na sa 3,655,709 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 55,449.

May 2,729 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,544,283 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID- 19 dito sa bansa.

May 201 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,977 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong Pebrero 21, at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: