Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa,bumaba sa 2,730

Bumaba sa 2,730 ang niatalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3, 639, 942 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 76,609.

May 7,456 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3, 508, 239 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 164 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,094 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa D-O-H, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 12, at 2 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: