Naitalang COVID – 19 cases sa bansa ngayong araw , pumalo sa 33,169

Pumalo pa sa 33,169 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of health ngayong araw.

Sa kabuuan , umabot na sa 2,998,530 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pumalo naman sa 157,526 ang bilang ng aktibong kaso ng virus.

May 3,725 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,788,711 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 145 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 52,293 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 8, habang may 10 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: