Naitalang COVID-19 cases sa bansa tumaas ng 53%

Tumaas ng 53% ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa Department of Health, mula Hunyo 20 hanggang 26, nakapagtala ng 662 na bagong kaso ng COVID- 19 kada araw.

Sa kabuuan, may 4, 634 bagong kaso ng virus infection ang naitala nitong nakaraang linggo.

May 14 bagong kaso ng severe at critical rin ang naitala habang may 51 nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero ayon sa DOH, 6 lang ang nasawi ngayong taon at ang iba ay noong 2021 pa.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: