Naitalang COVID cases sa bansa mas bumaba pa sa 14,546

Bumaba pa ang naitalang bagong kaso ng COVID- 19 ngayong araw na nasa 14,546.

Dahil rito , ayon sa Department of Health , umabot na sa 3,560,202 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon nasa 190,818.

May 26,500 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,315,381 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 112 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,003 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 29, at mayroon namang 3 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: