Naitalang COVID cases sa bansa , muling tumaas sa 18,191 ngayong araw

Matapos ang ilang araw na pagbaba , bahagyang tumaas ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw na nasa 18,191.

Dahil dito , ayon sa Department of health , umabot na sa 3,493,447 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon ay nasa 226,521.

May 22,014 namang naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 3,213,190 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 74 namang naiulat na nasawi , kaya umabot na sa 53,736 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa sa COVID- 19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong January 25 at 2 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Please follow and like us: