Naitalang kaso ng COVID- 19 ngayong araw bumaba

Umabot na sa 151,135 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 12,751 bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa, habang 20,151 ng naitalang bagong gumaling.

May 174 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 34,672 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Sa ngayon ay 2,134,005 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,948,198 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: